Aprubado ng DepEd ang pahayag na oobserbahang tapusin ang School Year (S.Y.) 2024-2025 sa Marso 31 upang maibalik ang School Calendar sa Hunyo sa 2025-2026 na naglalayong suportahan ang kalusugan at maiwasan ang kamakailang napakataas na temperatura na nakaapekto sa pag-aral ng mga mag-aaral nitong mga nagdaang taon.
Ito ay matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nais niyang ibalik ang lumang kalendaryong pang-akademiko sa mga susunod na taon ayon sa kaniyang nabanggit na hindi makatarungan ang makababagong talakdaan para sa mga mag-aaral.
Mula sa Department of Education (DepEd) na tinitingnan nilang tapusin ang darating na School Year 2024-2025 sa Marso 31, 2025, upang aprubahan ang mga paaralan na simulan ang 2025-2026 Academic Year (A.Y.) sa Hunyo 2025 at ibalik sa lumang school calendar.
Ito ay matapos hilingin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na nais niyang ibalik ang lumang kalendaryong pang-akademiko sa susunod na mga taon ayon sa kaniyang nabanggit na ang kamakailang napakataas na temperatura ay nakaapekto sa pag-aaral ng mga mag-aaral.
Sinabi naman ni Education Assistant Secretary Francis Cesar Bringas, sa isang televised briefing na ang S.Y. 2024-2025 ay magsisimula sa Hulyo 29, 2024 at malamang na magtatapos sa Marso 31, 2025.
Bibigyan nito ang mga estudyante ng dalawang buwang bakasyon bago magsimula ang 2025-2026 na kalendaryo sa Hunyo 2025.
“Sa ating current school year, mag-e-end tayo ng May 31, 2024 at ang naka-program na opening natin for school year 2024-2025 ay July 29 – and we are looking now at the possibility of ending 2024-2025 school year by March 31, 2025 para makapag-start tayo ng June 2025 para sa school year 2025-2026,” Ani ni Bringas.
Nangangahulugang ito na ang 2024-2025 na taon ng kalendaryo ay paiikliin sa 165 araw ng pasukan lamang, na kulang sa 180 hanggang 220 araw na ipinag-uutos ng batas.
Leave a Reply